Glenneth (glenskie) wrote,
Glenneth
glenskie

  • Mood:
  • Music:

Bakit Sumilao?

After another extra-riced dinner, I think it's nice to talk about.. the Sumilao farmers.

Bakit nga ba parang walang tibak formation na nakikiisa sa plight ng mga magsasaka? E di ba sentral ang isyu ng lupa sa mga tibak. Tuwing may rally, tatlong bagay ang gusto nilang ibagsak: imperyalismo, byurukata-kapitalismo, at, syempre pa, pyudalismo (may pang-apat pala, Glorya-lismo, pero ito ay babagsak naman talaga). Isa raw sa mga dahilan kung bakit nanatiling backward ang Pilipinas. So bakit Ateneans ang kasangga ng mga farmers? (Hello, Hacienda Luisita, Aquinos, Cojuancos)

Kasi hindi naniniwala ang mga tibak sa Comprehensive Agrarian Reform Program na sinasandigan ng mga farmers. Una, kanino bang termino naipasa ang enabling law nito (Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988)? Kay Corazon Aquino. Anong nangyari sa Hacienda Luisita? Sa halip na ipamahagi ang lupa, nagresort sa Stock Distribution, namahagi ng stocks, hindi lupa. Hindi lang yan, pinatay ang mga lider ng unyon na nasa picketline.

Kung batas at batas din lamang, nasa San Miguel ang batas. Sa ilalim ng CARP, may karapatan ang panginoong maylupa o kompanya na i-convert ang use ng lupa mula agrikultural sa kung anuman nila naisin. Pwedeng agro-industriyal (na ginagawa ng San Miguel), pwedeng residensyal, pwedeng industriyal. Pag ganito ang nangyari at hindi na pwedeng sakahin ang lupa, wala nang habol ang mga magsasaka. Hindi lang yan, kahit naipamigay na ang lupa, pag na-aprubahan ang conversion, maaari pa rin itong bawiin.

Bakit ba may mga butas ang batas? Kasi sa pinakasimula pa lamang, may intensyon na agad na paboran ang iilan. Magiting kung sa magiting ang ginawa ng mga magsasaka pero ang ibig sabihin ba nito ay kailangan pang maglakad ng milya milya para lang pansinin sila ng tao?
Subscribe
  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your reply will be screened

    Your IP address will be recorded 

    When you submit the form an invisible reCAPTCHA check will be performed.
    You must follow the Privacy Policy and Google Terms of use.
  • 9 comments