Glenneth (glenskie) wrote,
Glenneth
glenskie

  • Mood:
  • Music:

--

Sa ‘yo, kaibigan
(Kay A)

Alam mo naman ang halina ng pag-upo
sa lupa sa panahong ito, kung kailan
ginugupo tayo ng mga dambuhalang
nakatayo at nakatitig nang may buong
pagmamalaki. Ang tawag ng paglapit
sa lupang unang gumuhit ng kapalaran
bago tayo umibig, at inibig, nagkamali
sa pinili, at winaglit ng pumili sa atin.
Alam mo rin ang maglakad sa dilim
nang may kamay sa palad, at tinig sa
taingang nagsasabing, “Masdam mo
ang buwan sa langit at pakadamhin
ang init ng katawan, at lamig ng ihip.”

Ngunit ngayong nasasadlak sa bukas
na walang tugon, sa paglisan na walang
pag-amin, kaibigan, alam mo naman
ang mga paraan at daan tungo sa akin,
ang mga pasilyo at siwang na hindi
kailanman ipipinid upang madaluyan
ng iyong luha, tumulo man ito sa lupa
o iwaglit sa hangin. Sa isang buntong-
hininga ako ay darating, bitbit hindi
ang pangakong maaampat ang sugat,
ngunit ang pagsalok sa dugo upang
inumin at magpalakas sa pagal na 
pusong iibig muli, at iibig, at iibig.


Site Meter

Subscribe

  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

    When you submit the form an invisible reCAPTCHA check will be performed.
    You must follow the Privacy Policy and Google Terms of use.
  • 0 comments